PRRM
  • HOME
  • ABOUT US
    • News Archive
    • Beginnings
    • Vision and Mission
    • Credo of Rural Reconstruction
    • Board of Trustees >
      • Wigberto E. Tañada
      • Edicio G. Dela Torre
      • Marlon P. Palomo
      • Rebecca L. Malay
      • Raymundo C. Agaton Jr.
      • Dionesio Alave Jr.
      • Teodoro B. Baguilat Jr.
      • Amor R. Cabico
      • Marie Lisa M. Dacanay
      • Cesar A. Hawak Jr.
      • Mary Racelis
      • Alfredo Jose B. Reyes
      • Hernando D. Robles
      • Jose Santiago Sta. Romana
    • Council of Advisers >
      • All members of the Council
      • Prof. Randy S. David
      • Dr. Cielito F. Habito
      • Oscar M. Lopez
      • Jose Z. Molano Jr.
      • Dr. Sixto K. Roxas
    • Awards and Recognitions
    • Projects
    • Annual Reports
    • Gallery
  • CHAPTERS
    • Luzon >
      • Albay
      • Baguio-Benguet
      • Bataan
      • Camarines Norte
      • Camarines Sur
      • Cavite
      • Ifugao
      • Marinduque
      • Nueva Ecija
      • Nueva Vizcaya
      • Pasig
      • Quezon City
      • Quezon Province
    • Visayas >
      • Negros Occidental
    • Mindanao >
      • Camiguin
      • Cotabato
  • PARTNER FEDERATIONS
    • DALUYONG
    • NIUGAN
    • PRRYA
    • PUMALU-MV
    • SAKAHAN
  • FACILITIES
  • CONTACT
  • JOIN
    • Volunteer
    • Be a Member
    • Learn Sustainable Development
    • Support Our Advocacy
    • Be Our Partner

SALUBONG! 

11/7/2014

0 Comments

 
By Leopoldo "Pol" Camacho
Kalihim, Nagkakaisang Ugnayan ng mga Magsasaka at Manggagawa sa Niyugan (NIUGAN)
Picture
Nobyembre 7, 2014. Ito ang ginawang aktibidad ng NIUGAN Camarines Norte (MAGSACA) noong ika-7 ng Nobyembre 2014 sa boundary ng Libmanan at Sipocot, Camarines Sur, ang pagsalubong sa Kilus Magniniyog (KM). Ang 71 na magsasaka sa niyugan na nagmartsa mula pa sa Davao patungong Malacañang. Layunin ng KM na pakinggan ng Pangulong Aquino ang hinaing ng maliliit na magniniyog na itatag ang Coco Trust Fund na siyang mamamahala sa 71B pesos para sa ika-uunlad ng industriya ng niyog at mga magsasaka sa niyugan.

Ang KM ay alyansa ng 10 pambansa at pangrehiyon na pederasyon ng mga magsasaka at manggagawa sa niyugan.
Ang 20 magniniyog mula sa Labo at Paracale, Camarines Norte ay pinangunahan nina Ka Rafael “Raffy” Sarucam at Ka Leopoldo “Pol” Camacho. Sumalubong sila sa boundary ng Libmanan at Sipocot at sumama sa martsa hanggang simbahan ng Saint Therese sa Brgy. Tara, Sipocot, Camarines Sur.

Sa daan, nananawagan ang grupo na lagdaan na ni Pangulong Noynoy Aquino ang panukulang batas na magbubuo ng isang Coco Trust Fund Committee na siyang mamamahala, magpaplano at magpapatupad ng mga programa’t proyekto para sa pagpapaunland ng industriya ng niyugan at ng mga maliliit na magsasaka at manggagawa sa niyugan at gamit ang interest ng 71 bilyong peso na Coco Levy Fund. Sa pinakahuling balita ay may lumabas na bagong audit result na umaabot na ito ngayon sa 74B.

Ang mga marchers (kasama ang NIUGAN) ay pinatuloy ng mabait na pari ng parokya ng Saint Therese sa Tara, Sipocot, Camarines Sur, kung saan ang ilang mga taga-simbahan ay naghahanda ng tanghalian. Ang grupo ay magpapahinga sa nasabing simbahan hanggang kinabukasan. Sa tulong ng simbahan at LGU ng Sipocot sa pangunguna ni Vice Mayor Elizabeth Abergos ay nabigyan sila ng libreng tanghalian, hapunan at almusal kinabukasan. Ang tulong at suporta ng simbahan at LGU ay mahalagang bagay para sa mga marchers. Ito ay nagbibigay ng panibagong lakas ng katawan at kaisipan. Ito ay inspirasyon din, alam nila maraming sumusuporta sa kanilang layunin.

Sa loob at labas ng simbahan ay nagpahinga muna sila, bilang paghahanda sa susunod na araw na paglalakad, yan ay ang tinatayang 26 kilometro papuntang bayan ng Ragay kung saan naghihintay din ang ilang grupo ng magniniyog upang magbigay suporta.

Kitang kita ang pagod sa kanilang katawan. Isipan mo nga naman nagmula pa sila sa Davao at mahigit isang buwan nang naglalakad. Ang ilan sa kanila ay nakakatulog kahit nakaupo. Ang ilan kahit sa semento, masapinan lang ng panyo ay nakakatulog na.

Ang dalagang ito ay sugat-sugat na ang paa pero hindi pa rin siya sumusuko; itutuloy niya ang paglalakad hanggang Malacañang.

Habang natutulog ang mga kasamahan, ang mga lider ng KM, NIUGAN at Provincial Coordinator ng martsa (Tess ng PAKISAMA) ay naguusap tungkol sa naging takbo ng martsa at ang gagawing Coco Forum sa hapon. Ito ay isang malayang talakayan upang malaman ng iba pang magsasaka sa Sipocot ang isyu ng Coco Levy at kung ano ang layunin ng martsa. Ang ganitong aktibidad ay ginagawa ng grupo sa lahat ng lugar na kanilang tinitigilan.

Ang Coconut Farmers Forum na ginanap bandang alas 4:00 ng hapon noong ika-7 ng Nobyembre 2014 sa compound ng Saint Therese Church. Tinalakay dito kung papaano nagkaroon ng coco levy fund, ang mga kahirapang dinanas ng mga magniniyog sa pagbibigay ng coco levy, sino ang mga taong sangkot dito, papaano lumaki ang pera, ano ang ilang mga iligal na transaksyon upang manakaw ang levy at kung ano na ngayon ang status. Maraming magsasaka at lider ang nagpahayag ng kanilang karanasan, damdamin at mga aksyon na ginagawa para mabawi at magamit ng mga magniniyog ang pondo.

Si Sipocot Vice Mayor Abergos ay nagpahayag din ng kanyang supporta sa mga magsasaka at maggagawa sa niyugan. Ang kanyang pamilya ay magniniyog din at ang kanyang yumaong asawa ay dating empleyado ng PCA na nagmamalasakit sa industriya at mga magsasaka. Maraming magsasaka ang dumalo sa sa forum. Sila ay naimbita ng Kora Paroko, Vice Mayor at ng Provincial Coordinator.

Ang grupo ng NIUGAN Camarines Norte ay kasama sa mga nakipagtalakayan tungkol sa mga isyu ng industriya ng niyog at ng coco levy. Dito na rin sila natulog upang samahan ang mga marchers sa gabi at ihatid sila kinabukasan patungong Ragay, Camarines Cur. Sa Ragay ay magpapahinga sila bago tumulak puntang Del Gallego.

Kinabukasan, ika-8 Nobyembre 2014 ay maagang nagising ang mga marchers. Mga alas tres ng madaling araw ay lumakad na ang grupo papuntang Ragay. Inihatid namin ang marchers sa junction ng Tara, Sipocot.

​Si dating senador Wigberto “Ka Bobby” Tañada, chairperson of the board ng PRRM at kampeon ng mga maliliit na magsasaka at manggagawang-bukid sa niyugan, ay sumalubong sa mga nagmartsang magniniyog sa bayan ng Gumaca, Quezon. Nakikipag-kwentuhan siya sa mga magniniyog hinggil sa kanilang martsa at nagbibigay din siya ng ulat hinggil sa kampanya para sa usaping ng coconut levy.

​Sumalubong din ang dating Deputy Speaker of the House of Representatives na si Lorenzo “Erin” R. Tañada, kinatawan ng ika-apat ng distrito ng Quezon, at si Atty. Toby R. Tañada sa mga magniniyog.

0 Comments



Leave a Reply.

    Archives

    April 2018
    April 2017
    October 2016
    December 2015
    April 2015
    January 2015
    November 2014
    October 2014
    September 2014

    RSS Feed

Copyright © 2017
  • HOME
  • ABOUT US
    • News Archive
    • Beginnings
    • Vision and Mission
    • Credo of Rural Reconstruction
    • Board of Trustees >
      • Wigberto E. Tañada
      • Edicio G. Dela Torre
      • Marlon P. Palomo
      • Rebecca L. Malay
      • Raymundo C. Agaton Jr.
      • Dionesio Alave Jr.
      • Teodoro B. Baguilat Jr.
      • Amor R. Cabico
      • Marie Lisa M. Dacanay
      • Cesar A. Hawak Jr.
      • Mary Racelis
      • Alfredo Jose B. Reyes
      • Hernando D. Robles
      • Jose Santiago Sta. Romana
    • Council of Advisers >
      • All members of the Council
      • Prof. Randy S. David
      • Dr. Cielito F. Habito
      • Oscar M. Lopez
      • Jose Z. Molano Jr.
      • Dr. Sixto K. Roxas
    • Awards and Recognitions
    • Projects
    • Annual Reports
    • Gallery
  • CHAPTERS
    • Luzon >
      • Albay
      • Baguio-Benguet
      • Bataan
      • Camarines Norte
      • Camarines Sur
      • Cavite
      • Ifugao
      • Marinduque
      • Nueva Ecija
      • Nueva Vizcaya
      • Pasig
      • Quezon City
      • Quezon Province
    • Visayas >
      • Negros Occidental
    • Mindanao >
      • Camiguin
      • Cotabato
  • PARTNER FEDERATIONS
    • DALUYONG
    • NIUGAN
    • PRRYA
    • PUMALU-MV
    • SAKAHAN
  • FACILITIES
  • CONTACT
  • JOIN
    • Volunteer
    • Be a Member
    • Learn Sustainable Development
    • Support Our Advocacy
    • Be Our Partner