



|
KASAYSAYAN
Ang Pambansang Samahan ng mga Magsasaka sa Likas-Kayang Pananakahan o SAKAHAN ay pormal na itinatag noong Abril ng taong 2001 ng mga kinatawan ng 13 panlalawigang samahan ng mga magsasaka mula sa iba't ibang dako ng Pilipinas upang isulong ang likas-kayang pananakahan sa buong bansa.
MGA LAYUNIN
- Higit pang mapaunlad ang likas-kayang teknolohiyang pananakahan sa pamamagitan ng pagbabahagian ng karanasan at kaalaman sa pagitan ng mga kasaping samahan ng SAKAHAN.
- Maisulong sa pambansang antas ng pamahalaan ang kampanya para sa likas-kayang pananakahan, karapatan sa pagmamay-ari ng mga magsasaka sa kanilang lupang binubungkal, suportang serbisyo, pagsasakapangyarihan, at iba pang usaping kaugnay nito.
- Patuloy na mapaunlad ang kakayahan sa pamumuno ng mga lider-magsasaka para sa mas mahusay na pamamahala ng samahan, at pagtataguyod ng mga interes at kapakanan ng sektor.
- Maglunsad ng programang pangkabuhayan.
SAKAHAN:Pambansang Samahan ng mga Magsasaka sa Likas–Kayang Pananakahan
Address:Sustainable Agricultural Technology Resource Center, PRRM Compound, Barangay Bantug, Science City of Muñoz, Nueva Ecija
Name / Position / Contact No.
Joselito A. Tambalo (Pangulo)
Tirso Martirez (Pangalawang Pangulo, (Luzon) )
Geronimo Ongalon (Pangalawang Pangulo, Visayas)
Nelson Perez (Pangalawang Pangulo, Mindanao)
Zaldy Serrano (Kalihim) 09184310060
Edwin Rosario (Ingat-Yaman)
George Galua (Kalihim, Mindanao)
|
|

    
|