KASAYSAYAN NG NIUGAN

Noong ika-28 hanggang ika 29 ng Enero, 2000, inilunsad ang Unang Kongreso ng NIUGAN sa Gumaca, Quezon. Mahigit 100 lider-magniniyog buhat sa iba't ibang lalawigan ang dumalo. Dito iniluwal at napormalisa ang NIUGAN o Nagkakaisang Ugnayan ng mga Maliliit na Magsasaka at Manggagawa sa Niyugan.

MGA LAYUNIN

  • Mag-organisa ng karagdagang kasapian sa dating mga lugar at sa ibang lalawigan.
  • Maglunsad ng mga pagsasanay/edukasyon para mapaunlad ang kaalaman/kasanayan ng mga kasapi.
  • Maglunsad ng mga gawaing kampanya at adbokasiya hinggil sa mga usapin ng industriya at karapatan ng mga magniniyog.
  • Maglunsad at magsulong ng mga programa o income-generating projects para itaas ang antas ng kabuhayan.
  • Magtatag ng mekanismo para sa direktang pakikipag-ugnayan sa iba't ibang sangay ng pamahalaan at pribadong sektor upang makakuha ng suportang serbisyo.
  • Maglunsad ng mga programang matataguyod ng mga karapatang pangkababaihan at pangkabataan.
  • Gumawa ng dokumento hinggil sa mga "agrarian cases" sa mga lugar na saklaw ng NIUGAN at masusing pag-aralan ang ibat't ibang kalagayan.
  • Tiyakin na ang buong kasapian ng NIUGAN ay aktibong lumalahok sa mga gawaing IEC (Information-Education-Communication) at sa mga proyekto/programa.
  • Gumawa ng mga Memorandum of Agreement (MOA) para sa mga people's organizations at kooperatiba (POs/Coops) sa direktang pagsasapamilihan ng mga produkto.
  • Makapagpasulpot ng mga bagong lider ng NIUGAN.
NIUGAN: Nagkakaisang Ugnayan ng Maliliit na Magsasaka at Manggagawa sa Niyugan
Address: PRRM Bicol Resource Center, Barangay, San Vicente, Baao, Camarines Sur

Name / Position / Contact No.

Nonito Clemente (Chairman) 09196820317
Virgilio Eleazar (Vice Chair) 09165556765
Leopoldo Pol Camacho (Secretary General) 09192404482
Ronnie Redondo (Deputy Secretary-General)
Paciano Rodellas (Treasurer)






All Rights Reserved PRRM: Philippine Rural Reconstruction Movement
COPYRIGHT 2007 © PRRM