Home » News Articles » Palaganapin ang Organikong Pagsasaka sa Bataan! Ibalik ang Likas-Yaman ng Lupang Sakahan!

Palaganapin ang Organikong Pagsasaka sa Bataan! Ibalik ang Likas-Yaman ng Lupang Sakahan!

Isinulat ni Ka Mike Aceña

Samaleño Organiko

Si G. Mike Aceña, Pangulo ng Samaleño Organiko, habang binabaligtad ang bunton ng organikong pataba.

Panawagan ng Samaleño Organiko: “Palaganapin ang Organikong Pagsasaka sa Bataan! Ibalik ang Likas-Yaman ng Lupang Sakahan!”

Sa darating na Mayo 30, 2012, pasisinayaan ng Samaleño Organiko Producers Cooperative (SOPCO) ang kanilang pagawaan ng organikong pataba. Gaganapin ito sa Irrigation Complex, San Juan, Samal, Bataan, kung saan nakatayo ang nasabing pagawaan.

Ang SOPCO ay kalipunan ng mga magsasaka na nagsusulong ng organikong pagsasaka sa Samal. Nagsimula ito noong Disyembre 2008, nang maglunsad ng labing-anim na linggong pagsasanay sa teknolohiyang organiko ang Go Organic Philippines, Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM), La Liga Policy Institute, Department of Agriculture, Bureau of Soils and Water Management, University of the Philippines – Los Baños, at Local Government Unit ng Samal. Sa pagsasanay na ito, natutunan ng mga magsasaka ang pamamaraang organiko at ang paggawa ng mga organikong pataba. Isinabuhay ng mga magsasaka ang natutunan sa pagsasanay at itinatag ang Samaleño Organiko. Taong 2011 nang magpasya ang samahan na gawin itong kooperatiba at narehistro noong Pebrero 2012.

Sa kasalukuyan, ang kooperatiba ay nakakalikha ng organikong pataba, pangunahin sa konsumo ng mga kasapi at kapwa magsasaka sa karatig na sakahan sa iba’t ibang barangay ng Samal. Mula sa pagawaang maliitan at palipat-lipat na pwesto, nakapagtayo ang samahan ng pirmihang planta upang makatugon sa lumalaking pangangailangan ng sakahan sa probinsya.

Publications

Journals, Books, Articles, Features and Commentaries on national and international policy, grassroots developments and initiatives and rural reconstruction movement. Read more
Community and Habitat No. 13: Community resilience needs a change in mindset Community and Habitat No. 13: Community resilience needs a change in mindset
Community resilience needs a change in mindset
THIS ISSUE OF PRRM’S COMMUNITY & HABITAT JOURNAL IS focused on the intertwined issues of climate change, energy and food.

Development Courses
Conrado Benitez Institute for Sustainability (CBIS)

The CBIS offers a range of sustainable development courses covering different situations. Read more

Downloadable Forms
CBIS Handbook 4 | Enrollment Form