Home » COP 19 » Warsaw Rising 06

Warsaw Rising 06

Dear Nanay,

Dapat pala e pinabaunan mo ako ng sangkatutak na shabu para may pang-recharge sa mga na-lobat na adaptation negotiators kagabi.

Dangan kasi ‘yang AC, NAPs, at NWP ay hindi na lamang ipinagawang assignment na miuuwi para kay Tatay.

Konting-konti na lang, ilang bracket sa dulo na may kinalalaman sa suporta, at yari na sana ang text sa AC.

At ‘yang NAPs na ‘yan, ganyan pala ‘yan, pang process lang.

E meron na tayong NAPs at hindi natin kailangan ang process.

Ang gusto natin e papaano tumakbo ‘yung mga proyekto na ikinarga sa NAPs [aka NCCAP] natin.

Kaya nang tsuktsakin ang mungkahi nating lengguwahe sa support hindi lamang sa NAPs process kundi pati na din ang mga priorities na iniluwal nito at pagbabalik-aral sa NAPs ay nilayasan na natin.

Bahala na sa kanya ang mga superhero ng AOSIS, LG at LDC.

Sa NWP naman ay hindi magkasundo ang mga kamag-anak natin kung short o long term nga ba.

Ang payo sa kanila ng mga magsasaka ay short term para ma-neutralize ang hirit ng mga tiga barangay EU na d’un isaksak ang mga usaping may kinalalaman sa pagsasaka.

Pero pasaway talaga hetong si Batman [tiga Bangladesh pala siya!], gusto long-term at next year na uumpisahan!

Hayan, napagod tuloy sa kahihintay ang loss and damage.

Pero itutuloy namin ito ngayong araw.

One to sawa daw. Talo pikon. Winner takes all.

May tsismis nga pala ako sa inyo.

Kilala ko na kung sino ang sugo ni Abraham Lincoln sa kuwentuhan sa agri.

Tiga Costa Rica na mula sa ibayong bayan ng AILAC!

Lumuluwa pa ang mga mata niya at nagwawala ang mga ugat sa leeg sa pagpupumilit na dapat ay may mitigation din sa agrikultura.

Nalaman ko ito sa huling mah-jong session namin.

Ang sinabi ko sa kanya, malinaw ang nakasulat sa banal na aklat: ADAPTATION!

At kung ipipilit ‘yang co-benefits na ‘yan, ang ibig sabihin niyan ay hindi lang ito mitigation kundi kasama ang madami pa katulad ng food security, poverty eradication, ang lipstick ni Angelina Jolie, pati na din ang tindang barbecue sa may kanto natin.

T’saka kako, ang kahulugan ng co-benefits ay adaptation para sa mga maliliit na magsasaka at mitigation para sa mga haciendero!

Ewan ko kung nasindak ko siya pero sigurado kong natalsikan siya ng laway nung nagpapanggap na tiga Afghanistan na may paiyak-iyak pa habang ikinikuwento ang kanyang talambuhay.

Sige po, hanggang dito na lamang muna ito at kailangan ko pang maglaba ng brief.

Mahirap pala ang hindi magsuot nito dito dahil kapag nagyelo at magkaumpugan ay baka may mabasag.

Ang inyong anak,

Adaptation

Publications

Journals, Books, Articles, Features and Commentaries on national and international policy, grassroots developments and initiatives and rural reconstruction movement. Read more
Community and Habitat No. 13: Community resilience needs a change in mindset Community and Habitat No. 13: Community resilience needs a change in mindset
Community resilience needs a change in mindset
THIS ISSUE OF PRRM’S COMMUNITY & HABITAT JOURNAL IS focused on the intertwined issues of climate change, energy and food.

Development Courses
Conrado Benitez Institute for Sustainability (CBIS)

The CBIS offers a range of sustainable development courses covering different situations. Read more

Downloadable Forms
CBIS Handbook 4 | Enrollment Form